Pages

Friday, August 17, 2012

Ano ang sumusimbolo sa buhay ko?

         Ang sumisimbolo sa buhay ko ngayon ay bulaklak dahil kagaya nito ay simple lamang ang buhay ko at makulay.Kahit hindi kami mayaman ay masaya ako na buo ang pamilya ko.

Saturday, August 11, 2012



Ang Guryon



Tanggapin mo anak
itong munting guryon 

na yari sa patpat at papel de hapon
magandang laruan pula,puti,asul
na may pangalan mong sa gitna naroon


Ang hiling ko lamang bago paliparin
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin
ang dulo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag ikit o kaya'y magkiling



saka, pag umihip ang hangin ilabas
At sa papawiri'y bayaang lumipad
datapwat ang pisi'y tibayan mo,anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.


Ibigin ma't hindi balang araw ikaw,
ay mapabubuyong makipagdagitan
Makipaglaban ka subalit tandaan
na ang nagwawagi ay ang pusong marangal


At kung ang guryon mo'y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya'y mapatid
Kung saka-sakaling di na mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit


Ang buhay ay guryon,marupok malikot
Dagiti't dumagi saan man sumuot
O,paliparin mo't ihalik sa Diyos
Bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob.



^_^

        Ang Guryon ni Ildefonso Santos ay teoryang Imahismo. Ang Guryon ay nagpapatungkol sa buhay ng tao na ang guryon ay ang bata na ipinapakita dito na marupok o mahina pa na dapat pagtibayin .Nais ng kanyang ama na maging matatag ang kanyang anak sa mga pagsubok na dadating sa buhay niya.Ang bawat saknong ng tula ay iba't-ibang yugto ng buhay natin na mula nang isinilang hanggang sa pagtanda.

Wednesday, August 8, 2012


Ikalawang Markahan
Pagsusulit
Ito ay nagpapatungkol sa mga araling aming tinalay sa unang markahan halimbawa na lamang ay ang Noli Me Tangere.


Nakakalitong Pagsusulit :D
      Ito ay pagsususlit na sumubok sa amin bilang mag-aral na mahalaga lalo na sa pagsusulit.  Laging tatandaan , Unawaing mabuti ang panuto.

Friday, August 3, 2012

Gurong Minahal Namin

Ito ay nagpapatungkol sa paborito kong guro na tinuring kami bilang anak niya at inalagaan kami .
Fernando Timabal ;]]
Mga Karanasan sa Sekondarya

Ito ay nagpapatungkol sa aking karanasan noong ako ay nasa Sekondarya sa mataas na paaralan ng Mambugan.

Wednesday, August 1, 2012

 Mga Istraktura
*Pakikipagkapwa-teksto
    -Ang 2 akda ay may malaking pagkakatulad.
*Dalawang Oposisyon
   -Mayroong dalawang magkasalungat na opinion.
*Prinsipyo ng paligoy-ligoy
   -Pinapalawak ang kaisipan ng akda upang ito ay humaba.
Anda ng Epiko sa Noli M e Tange

A.Unang Anda
  -Si Crisostomo Ibarra ay namalagi sa Europa sa loob ng pitong taon upang mag aral ,pagkatapos ay bumalik na siya sa Pilipinas.
B.Ikalawang  Anda
  -Si Ibarra ay nagkaroon ng kasintahan na nagngangalang Maria Clara.
C.Ikatlong Anda
  -Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan.
D.Ikaapat na Anda
 -Nalaman ni Padre Damaso ang pag-ibigan nila Ibarra at Maria Clara.
E. Ikalimang Anda
  -Inutusan ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
F.Ikaanim na Anda
                                                                    -Si Crisostomo Ibarra ay napagbintangan siya at sinalakay ng
                                                                      mga taong pinag uusig ang kwartel at siya ay ikinulong.
                                                                G.Ikapitong Anda
                                                                    -Si Ibarra ay naglahong parang bula pagkatapos ng pangyayari.
Noli Me Tangere
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.









Epiko,Nobela at Anda ng



Epiko


*Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.

*Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.




Anda ng Epiko



A. Unang Anda

-Ang bayani ay umalis at muling bumalik.

B.Ikalawang Anda

-Nagkaroon ng kasintahan ang bayani.

C.Ikatlong Anda

-Nagpunta ang bayani sa nayan upang puntahan ang iniibig.

D.Ikaapat na Anda

-Natuklasan ang pagmamahalan ng bayani at ng kanyang

minamahal.

E.Ikalimang Anda

-Pagsira ng kasal ng bayani.

F.Ikaanim na Anda

-Pangyayari/paghihirap dinanas ng bayani.

G.Ikapitong Anda

-Nagapi ang bayani.


Talumbahay ni Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.


Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa BiƱan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.


Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.


Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.


Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.


Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.


Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.


Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.


Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).


"Cellphone"
INT.SILID ARALAN
             Lahat ay tahimikngunitsina Fatima at Darrycel ay nagbubulungan na tila may binabalak nang biglang dumating ang guro.

Guro: ( Ilalapag ang libro) Magandang umaga! Ang paksa natin ngayon ay tungkol sa dula.
(Magtatanong) Sino ang nakakaalam kung ano ang dula ?

Mabilis na nagtaas ng kamay si Fatima.
Guro: (Ituturo si Fatima) O, sige ikaw.
Fatima:Ma'am may we go out?

        Nagtawanan ang lahat habang palihim na umirap ang guro.

Guro: O,sige lumabas na kayo(Galit at pasigaw na nagsalita).


INT. CR


     Dali-daling lumabas  at nagtungo sa CR ang dalawa.
Darrycel:(masaya) Ang galing mo ! Nagawa mo ang binabalak natin.
Fatima: Ako pa?( Ituturo ang sarili na wari'y nagyayabang)Ilabas mo na ang cellphone tapos tawagan natin boypi natin.(Nag-uutos)
Darrycel:O,sige.Haha(kinikilig at sabay na nilabas ang kanilang cellphone)


    Hindi nila namalayan ang oras at inabot sila ng kalahating oras.
Darrycel: Anong oras na? Bumalik na tayo sa silid aralan (titigil sa pagtetext)


Pagbungad sa pintuan ng silid aralan.
Guro: (Galit na magsasalita) Bakit angtagal niyo?


  Kinakabahan ang dalawa at hindi na nakpagsalita.
Guro: Puntahan niyo ko mamaya sa table ko.


       Pumunta sila at pinagsabihan sila ng kanilang guro.Dahil sa pangyayaring iyon ay bihira na na sila pinapalabas ng kanilang guro tuwing klase.